Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 364 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-6:24 gabi ng Huwebes (June 18).

May lalim na 32 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...