Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Quezon City

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Quezon City, Huwebes ng hapon (June 18).

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), apektado ng sunog ang bahagi ng Basilio Street sa Barangay Fairview.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bandang 1:56 ng hapon.

tuluyan namang naapula ang sunog bandang 2:58 ng hapon.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam kung ano ang sanhi ng sunog.

Iniimbestigahan pa rin ng BFP kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsala dulot ng insidente.

Read more...