“Habang unti-unti pong nagbubukas ang ilang sektor ng ating ekonomiya, sana po ay patuloy rin nating palakasin pa ang mga proteksyon para sa kapakanan ng mga Filipino consumers upang mapagaan ang kanilang pinapasan lalo na sa panahong ito,” ayon kay Go.
Sinabi pa nito, ang inihihirit niya ay isabay sa pagtityak ng may sapat na suplay ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo
“Mas palakasin pa dapat ng mga concerned agencies ang kanilang price monitoring operations upang walang magtangkang magsamantala sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa,” banggit pa ni Go.
Una nang nangako ang Department of Trade and Industry na mahigpit na babantayan ang presyo ng mga bilihin maging ang bayad sa mga serbisyo na iniaalok online para protektahan ang mga konsyumer sa mga mapagsamantala at manloloko.