Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang June 18, umakyat na sa 164 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– 38-anyos na babaeng residente ng Bacolod City
– 30-anyos na lalaking residente ng Hinigaran, Negros Occidental
– 37-anyos na lalaking residente ng Bacolod City
– 40-anyos na lalaking residente ng Bacolod City
– 38-anyos na babaeng residente ng Bacolod City
– 35-anyos na lalaking residente ng Bacolod City
– 44-anyos na lalaking residente ng Oton, Iloilo
– 25-anyos na lalaking residente ng Miagao, Iloilo
Sa ngayon, nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Samantala, umakyat naman sa 106 ang mga gumaling sa Western Visayas.
Nanatili naman sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.