Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 257 na kaso hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (June 18).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are four cases in the community, of whom one is a Singaporeans/Permanent Residents and three are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 41,473 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
MOST READ
LATEST STORIES