Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (June 18), umabot na sa 27,799 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sinabi ng kagawaran na 562 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 481 ang “fresh cases” habang 81 ang “late cases.”
Nasa siyam pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,116 na.
Ayon pa sa DOH, 270 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 7,090 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES