17 pang Pinoy abroad, nagpositibo sa COVID-19 – DFA

Nasa 17 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 18, umakyat na sa 6,091 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 53 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,776 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Isa naman gumaling pa kung kaya 2,843 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, nadagdagan nang anim ang nasawi kung kaya 472 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,926 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 912 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 684 naman ang kaso sa Americas at 569 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...