P374,000 halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang HVT sa Cebu City

Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P374,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Cebu City, Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa PDEA RO7, ikinasa ang buy-bust operation sa bahagi ng Sitio Sun-oc, Barangay Lahug bandang 1:20 ng madaling-araw.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa high-value target na si Reymond Vargas, 27-anyos na photographer at residente ng Nivel Hills, Barangay Busay, Cebu City.

Nakumpiska sa supek ang 10 pack ng hinihinalang shabu, isang cell phone, P260 cash at ginamit na buy-bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165.

Read more...