Base sa inilabas na joint statement ng 14 na kinatawan mula sa Eastern Visayas sa pangunguna ni House Majority Leader Martin Romualdez, ang unang kaso ng COVID-19 sa rehiyon at naitala noong March 23 sa bayan ng Catarman, Northern Samar.
Ang pasyente aniya na nagpositibo ay tumira sa Lungsod ng San Juan sa Metro Manila sa loob ng dalawang buwan.
Nais din ng mga ito na ma-review ang health protocols na ipinapatupad sa locally stranded individuals bago ang mga ito pauwiin sa mga probinsya.
Kinalampag din ng mga ito ang konsernadong ahensya ng pamahalaan upang magsagawa ng mahigpit na pagmo-monitor, at pag-aaral sa mga health assessment procedure upang maiwasan na ang pagkalat ng kinatatakutang sakit patungo sa mga lalawigan.
Dapat anilang masiguro na lahat ng mga residente na pauwi ng probinsya ay negatibo sa COVID-19 test at walang sintomas ng sakit bago hayaang makabiyahe.
Narito ang ulat ni Erwin Aguilon: