Nagpahayag ng suporta si Interior Secretary Eduardo Año kay Health Secretary Francisco Duque III.
Sa isang panayam sinabi ni Año na nagpahayag na ng suporta kay Duque mismong si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Año na masipag na nagtatrabaho sa araw-araw si Duque.
Si Año ang vice chairman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Seryoso aniya sa trabaho ang kalihim at marahil ay overwhelmed lang ito sa dami ng trabaho.
Noong Miyerkules ay iniutos ni Ombudsman Samuel Martires na maimbestigahan si Duque at iba pang opisyal ng DOH dahil sa umano ay iregularidad sa ahensya.
MOST READ
LATEST STORIES