Mahigit 39,000 na OFWs napauwi na sa mga lalawigan – DOTr

Sa loob ng nagdaang mga araw umabot sa mahigit 39,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naserbisyuhan sa ilalim ng ‘Hatid Probinsya para sa mga OFWs’ Program.

Ayon sa datos ng Department of Transportation (DOTr), umabot na sa 39,485 ang napauwing OFWs sa kanilang mga lalawigan.

Sa nasabing bilang, 11,443 ang naihatid by land at 16,315 ang bumiyahe sa pamamagitan ng eroplano mula May 25 hanggang June 17.

Habang 11,727 naman ang bumiyahe sa pamamagitan ng barko mula April 27 hanggang June 17.

Ang “Hatid Probinsya para sa mga OFWs” ay pinangungunahan ng DOTr, DOLE, OWWA, CAAP, PCG, DILG, PPA, OTS, MIAA, LTO at LTFRB.

 

 

Read more...