Biyahe ng LRT-1 nagkaaberya

Nakaranas ng aberya sa biyahe ng Light Rail Transit-1.

Sa abiso ng LRT-1 alas 6:48 ng umaga ng Huwebes, June 28 ay nagpatupad ng 5 kilometer per hour na speed restriction sa kanilang mga tren mula Baclaran to Roosevelt.

Ito ay dahil sa isang tren nila na nagkaroon ng problema.

Alas 7:06 ng umaga ay muling naglabas ng abiso ang LRT-1 at sinabing inihinto na muna pansamantala ang biyahe ng mga tren mula Baclaran patungong Roosevelt.

Sinabi ng LRT-1 na agad nagtalaga ng technician para ayusin ang nagkaproblemang tren sa bahagi ng UN Avenue.

Alas 7:30 ng umaga nang maiayos na ang aberya at maibalik sa normal ang biyahe ng mga tren.

 

 

Read more...