Mga labi ni Business Tycoon Danding Cojuangco iuuwi ng Tarlac bago ang inurnment sa QC

Nai-cremate na ang pumanaw na negosyanteng si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.

Ang mga labi ni Cojuangco ay nasa Mt. Carmel Cathedral na sa New Manila sa Quezon City.

Ang burol sa Mt. Carmel ay tatagal hanggang sa araw ng Linggo.

Sa June 22 naman hanggang June 24 ay dadalhin sa Paniqui, Tarlac ang urn ni Cojuangco.

Dadalhin din sa Kapitolyo ng Tarlac ang kaniyang mga labi sa June 25.

Sa June 26 ay ibabalik na ng Mt. Carmel ang mga labi ni Cojuangco para sa kaniyang inurnment.

 

Read more...