Mahigit 500 Pinoy mula Saudi at UAE nakauwi na sa bansa

Mayroong mahigit 500 pang Overseas Filipinos ang dumating sa bansa kahapon.

Ang 542 na mga Pinoy ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Miiyerkules (June 17) ng gabi.

Sila ay pawang mula sa SAudi Arabia at sa UAE na dumating sa bansa lulan ng magkahiwalay na flight.

Kinuhanan ng swab samples ang mga dumating na OFW at sasailalim sa quarantine habang hinihintay ang resulta ng test.

 

 

Read more...