Sa weather forecast ng PAGASA, ang ITCZ ay maghahatid ng pag-ulan sa buong Visayas at sa CARAGA.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na mayroon ding kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa nalalabi pang bahagi ng Mindanao.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng maaliwalas na panahon na mayroon lamang isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.
Ayon sa PAGASA sa susunod na 3 hanggang 5 araw ay wala namang inaasahang bagyo na makaaapekto sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES