Tarragona, Davao Oriental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 37 kilometers southeast ng bayan ng Tarragona, alas-5:20 madaling araw ng Huwebes (June 18).

May lalim na 151 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...