Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 2,725 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 11:00, Miyerkules ng gabi (June 17).
Sa nasabing bilang, 2,644 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.
2,605 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 968 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
1,422 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 215 ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 1,422 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES