Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 440 na

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Miyerkules, June 17, 6PM) umakyat na sa 440 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 .

Sa nasabing bilang ay mayroong 258 pulis na nakarecover na habang 7 ang bilang ng nasawi.

Ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 699 na at 874 naman ang suspected cases.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...