69 locally stranded individuals, nakauwi na sa General Santos City

Nakauwi na ang halos 70 locally stranded individuals (LSIs) sa General Santos City, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ligtas na naihatid ng crew members ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) ang kabuuang 69 LSIs mula sa Maynila patungong Makar Wharf sa General Santos City.

Kabilang sa LSIs ang dalawang bata.

Sinalubong naman ang mga LSI ng ilang tauhan ng PCG para pangunahan ang inspeksyon sa kanilang mga dokumento at pagsalang sa mandatory medical screening.

Agad namang dinala ang mga LSI sa kani-kanilang local government units (LGUs) para sa karagdagan pang tulong.

Read more...