Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna (Miyerkules, June 17, 3PM), ang active cases sa lalawigan ay umabot na sa 157 kung saan nadagdagan ng lima ang bilang ng active cases.
Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
San Pedro (Larger Community) – 14
San Pedro (BJMP) – 61
San Pedro (PNP) – 16
Biñan (Larger Community) – 31
Biñan (PNP Custodial Facility) – 3
Calamba – 7
Santa Rosa – 13
Cabuyao – 1
San Pablo – 4
Santa Cruz – 2
Pila – 1
Calauan – 1
Alaminos – 1
Nagcarlan – 1
Pagsanjan – 1
Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nasa 41 na habang ang bilang naman ng naka-recover na ay 369.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 567.
Samantala, nasa 1,521 naman ang bilang ng suspected cases at 76 ang probable cases.