Sinabi ng BuCor na ito ay matapos ang kanilang pansamantalang pamamalagi sa Site Harry Isolation Area sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City.
Halos dalawang linggo nanatili ang mga bilanggo para magamot sa nakakahawang sakit.
Lumabas sa isinagawang PCR test na negatibo na sila sa COVID-19.
Dahil dito, pinayagan nang makabalik ang nasabing bilang ng preso sa kanilang kampo at dormitoryo.
Kabilang sa mga gumaling ang isa mula sa Medium Security Camp, lima sa Building 14, 13 sa NBP-RDC habang 42 naman sa Maximum Security Camp.
Tiniyak naman ng BuCor na patuloy silang makikiisa sa paglaban sa naturang pandemiya.
READ NEXT
BREAKING: Bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa higit 27,000
MOST READ
LATEST STORIES