BREAKING: Bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa higit 27,000

Sumampa na sa mahigit 27,000 na ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (June 17), umabot na sa 27,238 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 19,126 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 457 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 342 ang “fresh cases” habang 115 ang “late cases.”

Nasa lima pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,108 na.

Ayon pa sa DOH, 268 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 6,820 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...