High-value target sa Cebu City, timbog; P340,000 halaga ng shabu, nasabat

Arestado ang isang high-value target sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, Miyerkules ng tanghali (June 17).

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 7 (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Leon Kilat Street, Barangay Pahina Central bandang 12:00 ng tanghali.

Nakilala ang suspek na si Janrey Yrey Sibomit, 34-anyos na vendor at residente ng Barangay Ermita sa Cebu City.

Nakatakas naman ang kasabwat nito na si Jezon Flores Sabroso.

Nakuha sa suspek ang dalawang pack ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, isang belt bag, cellphone, packaging tape, brown paper envelope, wallet, volunteer’s ID, motorsiklo at ginamit na buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 26, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek.

Read more...