Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 17, umakyat na sa 6,074 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 54 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,766 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
10 naman gumaling pa kung kaya 2,842 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, nadagdagan nang 24 ang nasawi kung kaya 466 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,916 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 906 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 683 naman ang kaso sa Americas at 569 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.