247 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Singapore

Mahigit 200 ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 247 na kaso hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (June 17).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are five cases in the community, of whom two are Singaporeans/Permanent Residents and three are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 41,216 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...