LOOK: Donasyong PPE ng Taipei Economic and Cultural Office sa PNP

Nag-donate ang Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines ng ilang personal protective equipment sa Philippine National Police (PNP).

Naiturn-over ng Taipei Economic and Cultural Office sa Pilipinas ang PPE sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City araw ng Miyerkules, June 17.

Mismong sina Taipei Economic and Cultural Office sa Pilipinas Head of Mission Michael Peiyung Shu at Executive Assistant Jerry Wang ang nag-turnover kay PNP Chief Police General Archie Gamboa.

Kabilang sa mga ibinigay ay 50,000 piraso ng surgical masks, 5,000 piraso ng filtered N95 face masks at 2,000 piraso ng isolation gowns.

Read more...