Mahigit 8,000 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19 sa nakalipas na apat na araw

Simula noong June 12 hanggang June 16 ay mayroong mahigit 8,000 pang umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroon pang 8,535 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Maaring makita ang listahan ng mga nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/3ftw0Yv

Ang mga nasa listhaan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

Bibigyan sila ng quarantine clearance pagdating nila sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

 

Read more...