Para hindi na maantala pa ang pagsasagawa ng COVID-19 testing sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM, nagpadala na ng mga kinakailangan gamit ang Philippine Red Cross.
Ayon kay Sen. Richard Gordon, na siyang namumuno ng Philippine Red Cross, hindi dapat magka-aberya ang testing dahil lang sa kakapusan na ng mga kinakailangan gamit kayat sinaklolohan na nila ang RITM.
Nabatid na hindi dumating sa napagkasunduan araw ang mga kinakailangan gamit mula sa China dahil sa kakulangan ng biyahe ng eroplano.
Sumulat si Vince Dizon, deputy chief implementer ng National Task Force COVID 19, noong Lunes kay Gordon para humiram ng mga kinakailangan mga gamit ng RITM.
Agad naman ipinag-utos ni Gordon ang pagpapahiram ng mga kinakailangan testing items sa RITM at nangako si Dizon na agad papalitan ang mga ito kapag dumating na ang kanilang inorder mula sa China.
Una nang sumaklolo ang PRC sa RITM nang magkasakit ang ilang staff ng ahensiya at ang Red Cross na ang nagsagawa ng testing ng 1,000 samples.