Pamunuan ng PBA nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Danding Cojuangco

Nagpaabot na ng pakikiramay ang pamunuan ng PBA sa pagpanaw ng negosyanteng si Eduardo “Danding” Cojuangco Jr.

Si Cojuangco ay Chairman at CEO ng San Miguel Corp., at team owner din sa PBA.

Sa pahayag ng PBA nagpasalamat ito sa mga naging kontribusyon ni Cojuangco sa PBA at sa Philippine sports.

Nagpaabot din ang PBA ng pakikidalamhati at panalangin sa pamilya at mahal sa buhay ng negosyante.

 

 

Read more...