COVID-19 cases sa Maynila, umakyat na sa 1,854

Karagdagang 27 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Martes ng tanghali (June 16), umakyat na sa 1,854 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,167 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Tondo 1 na may 310 cases.

Sumunod dito ang Sampaloc na may 134 aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Samantala, mayroon namang 31 na itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,028 ang suspected cases.

Umabot naman sa 577 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 110 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Read more...