Sa weather forecast ng PAGASA, apektado ng easterlies ang Southern Luzon at Visayas.
Naaapektuhan naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Mindanao.
Ayon kay PAGASA weather specialist Aldzar Aurello, sa susunod na tatlong araw o hanggang Biyernes, hindi mararanasan sa bansa ang epekto ng Habagat.
Umiiral kasi ang ridge ng high pressure area at itinutulak nito papalayo sa bansa ang Habagat.
Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang Caraga at Davao Region ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng mainit na panahon at magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.