Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 390

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Martes, June 16) , nadagdagan ng 6 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 390 habang 129 ang active cases.

Nanatili sa 77 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 596 kung saan nakapagtala ng 6 bagong kaso.

Samantala, nasa 111 ang bilang ng probable habang nasa 520 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

 

Read more...