COVID-19 cases sa Mandaluyong City, nasa 805 na

Pumalo na sa 805 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Martes ng hapon (June 16), 11 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa 805, 229 ang aktibong kaso.

188ang itinuturing na probable cases habang 1,119 ang suspected cases kung saan 2,770 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng siyam ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, 516 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Nasa 60 residente sa Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...