ITCZ, magdadala pa rin ng pag-ulan sa Mindanao

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na nakakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bansa, ayon sa PAGASA.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Joey Figuracion na ang ITCZ ay ang pagsalubong ng dalawang magkaibang hangin mula sa Northern Hemisphere at Southern Hemisphere.

Bunsod nito, asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan sa Soccsksargen, Davao region at Caraga.

Magiging maaliwalas naman aniya ang lagay ng panahon sa nalalabing bahagi ng bansa.

Ngunit, malaki pa rin ang tsansa ng pulo-pulong pag-ulan dulot ng thunderstorm bandang hapon o gabi.

Wala ring binabantayang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Read more...