Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,840

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (June 15, 3:00 PM) nakapagtala ng 25 na bagong kaso kaya pumalo na sa 1,865 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 440
Laguna – 551
Batangas – 230
Rizal – 506
Quezon – 138

Nasa 1,018 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 17 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 161
Laguna – 335
Batangas – 161
Rizal – 262
Quezon – 99

Nadagdagan ng isa ang COVID-19 related deaths kaya umabot na ito sa rehiyon sa 171.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 31
Laguna – 37
Batangas – 27
Rizal – 66
Quezon – 10

Read more...