Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang June 16, umakyat na sa 153 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– 30-anyos na lalaking residente ng Igbaras, Iloilo
– 32-anyos na lalaking residente ng La Paz, Iloilo City
– 50-anyos na lalaking residente ng Mandurriao, Iloilo City
– 22-anyos na lalaking residente ng Lambunao, Iloilo
– 35-anyos na lalaking residente ng Binalbagan, Negros Occidental
– 46-anyos na lalaking residente ng San Carlos City, Negros Occidental
Sa ngayon, nakasailalim ang dalawang bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Samantala, umakyat naman sa 103 ang mga gumaling sa Western Visayas.
Nanatili naman sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.