Isa pang COVID-19 case, naitala sa Bicol; Kabuuang bilang, umabot na sa 85

Nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 sa Bicol region, ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol.

Ayon sa DOH CHD-Bicol, ang bagong COVID-19 patient ay isang 31-anyos na lalaking residente ng Lupi, Camarines Sur.

Dumating ang pasyente sa Bicol mula sa Cebu noong June 15.

Asymptomatic naman ang pasyente at agad nagpakonsulta sa Camarines Sur Provincial Medical Center nang makarating sa Bicol.

Sinabi ng DOH CHD-Bicol na nakasailalim na ang pasyente sa quarantine

Dahil dito, umabot na sa 85 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region.

Read more...