Kaso ng COVID-19 sa Singapore, halos 41,000 na

Mahigit 100 ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 151 na kaso hanggang 12:00, Martes ng tanghali (June 16).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

“Based on our investigations so far, there are two cases in the community, both of whom are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.

Wala anilang Singaporean/Permanent Resident na bagong naapektuhan ng nakakahawang sakit.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 40,969 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...