General Luna, Quezon nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng unang kaso ng COVID-19 sa General Luna, Quezon.

Sa Facebook, sinabi ni Mayor Matt Florido Withaheart na lumabas sa swab test na positibo sa nakakahawang sakit ang isang suspected case sa lugar.

Batay aniya sa ulat Dr. Connie Mecija mula sa Provincial Health Office, isang 36-anyos na babae mula sa Barangay San Jose ang COVID-19 patient.

Nagkaroon aniya ito ng travel history sa Catanauan, Quezon dahil isa itong negosyante at may pwesto sa palengke ng Catanauan.

Sinabi ng alkalde na maayos naman ang lagay ng pasyente at nananatili sa isang health facility sa Catanuan.

Bunsod nito, ipinag-utos ang pagpapatupad ng lockdown sa Sitio Sabang sa Barangay San Jose sa loob ng 24 oras.

Nagsimula ang lockdown bandang 2:00, Martes ng hapon (June 16).

Layon nitong makapagsagawa nang maayos na contact tracing.

Read more...