Pagpapa-deliver sa passport available na rin sa Passport Online Appointment System ng DFA

Available na rin sa Passport Online Appointment System (OAS) ang pagpapa-deliver ng pasaporte.

Ayon sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga aplikante na mag-aapply ng passport online ay pwede na ring makapag-avail ng courier service online.

Sa online na rin pwedeng gawin ang pagbabayad sa passport processing fee at courier fee.

Ayon sa abiso ng DFA, may opsyon ang mga aplikante para sa pagbabayad over-the-counter o sa pamamagitan ng debit card o credit cards.

May opsyon pa rin naman ang aplikante na kunin sa consular office ang kanilang pasaporte sa halip na ipa-deliver.

Pero ayon sa DFA, inirerekomenda nito na mag-avail na lamang ng courier service para maiwasan na ang exposure at banta sa kalusugan sa pagpunta pa sa consular office.

 

 

 

 

 

Read more...