Pangulong Duterte desididong lagdaan ang anti-terrorism law

Desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan bilang ganap na batas ang anti-terrorism law.

Sa isang panayam sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque nagsasagawa na lamang ang pangulo ng “final look” sa panukalang batas.

Sumasailalim din ito sa final review ng Office of the Executive Secretary at hinihintay ng palasyo ang inputs mula sa Department of Justice (DOJ).

Ang nasabing panukala ay nasa Malakanyang na noon pang June 9 para sa paglagda ng pangulo.

 

 

 

 

 

Read more...