Paggamit ng video game para sa mga batang may sintomas ng ADHD inaprubahan ng US FDA

Inaprubahan ng U.S. Food and Drug Administration sa unang pagkakataon ang paggamit ng video game bilang panggamot sa attention deficit hyperactivity disorder o ADHD sa mga bata

Ayon sa US FDA ang video game ay likha ng Boston-based na Akili Interactive Labs na kayang mai- improve ang attention function.

Ang game ay tinawag na EndeavorRx na mangangailangan ng prescription at ginawa para sa mga edad 8 hanggang 12 na may sintomas ng ADHD.

Ito ang unang pagkakataon na nagbigay go signal ang US FDA sa paggamit ng digital therapy para sa ADHD symptoms.

Ayon sa FDA nagsagawa sila ng pag-aaral sa mahigit 600 na mga bata bago naglabas ng desisyon.

 

 

 

 

Read more...