Simula ngayong araw, June 16 ay may bibiyahe nang Public Utility Buses (PUBs) sa sumusunod na ruta:
– Route 14 (Ayala-Alabang)
– Route 15 (Ayala-Biñan)
– Route 27 (PITX-Trece Martires)
Ito naman ang dagdag pang ruta simula sa June 18:
– Route 23 (PITX-Sucat)
– Route 26 (PITX-Naic)
– Route 30 (PITX-Cavite City)
Ang DOTr, ay nagbukas ng ruta ng mga PUB sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Narito ang mga umiiral nang ruta:
– Portion of Route E (EDSA Carousel)
*to augment MRT-3/partial operational
– Route 1 (Monumento-Balagtas)
– Route 2 (Monumento – PITX)
– Route 3 (Monumento-Valenzuela Gateway Complex)
– Route 4 (North EDSA-Fairview)
– Route 5 (Quezon Avenue-Angat)
– Route 6 (Quezon Ave.-EDSA Taft Ave.)
– Route 7 (Quezon Avenue-Montalban)
– Route 8 (Cubao-Montalban)
– Route 9 (Cubao-Antipolo)
*to augment LRT-2
– Route 11 (Gilmore-Taytay)
– Route 13 (Buendia-BGC)
– Route 16 (Ayala Ave.-FTI)
– Route 17 (Monumento-EDSA Taft)
*to augment LRT-1
– Route 18 (PITX-NAIA Loop)
– Route 21 (Monumento-San Jose Del Monte)
– Route 24 (PITX-Alabang)
– Route 25 (BGC-Alabang)
– Route 28 (PITX-Dasmariñas)
– Route 29 (PITX – General Mariano Alvarez)
Ang unti-unting pagbubukas ng mga ruta ay base sa gradual, calibrated, at in phases approach na pinapairal ng pamahalaan sa pagbabalik-operasyon ng pampublikong transportasyon.
Ayon sa DOTr, araw-araw ang isinasagawang adjustment ng pamahalaan upang matulungan ang ating mga commuter, sa pamamagitan ng pamamaraang hindi malalagay sa alanganin ang kalusugan at kaligtasan.
Ipinapaalala ng LTFRB sa mga operators at drivers ng mga PUBs na sundin ang protocols na nakalagay sa MC 2020-018, upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Kabilang na rito ang pagsusuot ng face mask at gloves, paglinis at pag-disinfect ng kaniya-kaniyang unit bago at pagtapos ng kada biyahe o kada dalawang (2) oras, paglalagay ng harang gawa sa non-permeable at transparent na materyales, at pagsunod sa passenger seating capacity na alinsunod sa guidelines ng IATF-EID at DOTr.