Karinderya tinupok ng apoy sa Mandaue City

Tinupok ng apoy ang isang karinderya sa Barangay Canduman, Mandaue City kaninang (Martes, June 16) madaling araw.

Nagsimula ang sunog sa bahagi ng H. Abellana Street ala 1:17 ng madaling araw.

Umabot ito sa 2nd alarm bago naapula ala 1:37 ng madaling araw.

Nadamay din sa sunog ang isang katabing bahay.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

 

 

Read more...