Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales June 16, 2020 - 07:19 AM

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 189.00 meters alas-6:00 umaga ng Martes (June 16) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 189.03 meters.

Nanatili naman ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.97 habang bahagyang nbawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 75.48 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 75.56 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque, pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga dam.

 

 

 

 

TAGS: dam status, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Water supply, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.