Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ng maghapon ay 2,288 na Pinoy ang dumating sa bansa.
Sa nasabing bilang, 768 ay pawang stranded OFWs at Overseas Filipinos ang galing UAE at Lebanon.
Dumating sila sa NAIA sakay ng dalawang magkahiwalay ng DFA-chartered flights.
Mayroon ding 354 na land-based OFWs ang dumating sa bansa galing sa Saudi Arabia sakay ng OWWA-chartered flight.
Habang 668 na Filipino seafarers pa na pawang crew ng Royal Caribbean Cruise Lines ang dumating lulan ng dalawang Air Europa flights.
Simula noong February 2020 ay umabot na sa 44,000 ang napauwing OFWs mula sa mga bansang apektado ng pandemic ng COVID-19.
READ NEXT
Expanded at targeted testing isasagawa sa Rizal ngayong araw; mga residente pwedeng mag-drive thru para magpa-test
MOST READ
LATEST STORIES