6 sa 8 bagong kaso ng COVID-19 sa Antipolo pawang nagtatrabaho sa Metro Manila

Pawang nagtatrabaho sa Metro Manila ang 6 sa 8 naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Antipolo City.

Sa datos mula sa Antipolo City Government, dahil sa walong bagong kaso, umakyat na sa 194 ang bilang ng mga nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa lugar.

Sa nasabing bilang 133 ang naka-recover na habang 29 ang pumanaw.

32 pa ang nagpapagaling at nakasailalim sa quarantine.

Ang walong bagong naitalang kaso ay ang mga sumusunod:

– 25 anyos mula sa Barangay De La Paz at nagta-trabaho sa NCR.
– 29 anyos na babae mula Barangay Sta. Cruz at nagta-trabaho sa NCR.
– 28 anyos na lalaki mula Barangay Mambugan at nagta-trabaho sa NCR.
– 35 anyos na lalaki mula Barangay Mayamot at nagta-trabaho sa NCR.
– 48 anyos na lalaki mula sa Barangay Mayamot at nagta-trabaho sa NCR.
– 43 anyos na lalaki mula sa Barangay San Isidro at nagtatrabaho sa NCR.
– 33 anyos na lalaki mula sa Barangay Mambugan.
– 40 anyos na mula sa Barangay Cupang.

 

 

Read more...