Mahigit pisong dagdag sa presyo ng gasolina at diesel epektibo na ngayong umaga

Epektibo na ang panibagong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ngayong umaga.

May dadag na P1.25 sa kada litro ng gasolina, P1.10 sa presyo ng kada litro ng diesel at 75 centavos sa kada litro ng kerosene.

Alas 6:00 ng umaga ngayong Martes, June 16 epektibo ang dagdag presyo ng mga kumpanyang Shell, Petron, SeaOil, Flying V, Petro Gazz, Total, PTT, at Phoenix Petroleum.

Alas 12:01 ng madaling araw naging epektibo ang dagdag presyo ng Chevron.

Habang alas 4:01 ng hapon naman magiging epektibo ang dagdag presyo ng CleanFuel.

 

 

 

Read more...