Sa may 317 million public social media points ng mga Pinoy sa pagitan ng Marso 6 hanggang June lumabas sa analysis na ginawa ng Blue Print Ph at Singapore-based Data Mining and Artificial Intelligence na ang health issues ang umukupa sa isipan ng mga Filipino habang hindi masyadong binigyang atensyon kung mawawalan ng trabaho at maging ang peace and order situation.
Ayon kay Eero Brilliantes, Chief Executive Officer ng Blue Print, naging mas aktibo din ang mga Pinoy sa pagtatanggol sa mga frontliner dahil nakaangla dito ang kalusugan, marami ang agarang nagpapahiwating ng kanilang galit sa mga pagmamaltrato sa mga health workers habang mabilis din na suportahan ang mga positibong usapin pagdating sa mga frontliners.
“The amount of attention given by Filipinos on health issues is so much that they would act better on policy issues or proposals when these are anchored on health, even those concerning the return to work of everyone after the easing of quarantine rules, travel and even improving the quality of life of Filipinos,” paliwanag ni Brilliantes.
Kasunud umano ang shelter o housing sa mga naging alalahanin ng mga Pinoy sa gitna ng pandemic matapos na rin ang ipinatupad na lockdown sa buong Luzon.
“Housing is discussed in conjunction with work, family, security.The issue of housing was mostly confined in Metro Manila where most of the “heated comments” in social media originated”ayon kay Brilliantes.
Ikatlo sa palagiang iniisip ng mga Pinoy sa gitna ng pandemic ay ang bigas,nasa 54M public social media data points ang nagpapatunay na malaking isyu sa mga Filipino na mayroon itong makukuhaan ng bigas at may matatanggap na food packs na may bigas.
Sinabi ni Brilliantes na kung walang pandemic at sa normal na pamumuhay ang pangunahing isyu sa mga Pinoy ay ang edukasyon ,overseas Filipino workers, public transport at unemployment ngunit nang maharap sa pandemic ang bansa ay hindi ito ang naging alalahanin ng mga Pinoy.
”based on our data analysis, Filipinos left much of the decision on education issues – including the disrupted schooling of their children and the future of education in a contact-less environment in the hands of the Department of Education as reflected in most of the more than 27 million public social media data points they made on the issue. At the same time, Filipinos devoted less time about issues concerning OFWs, similarly low level of attention was given to issues concerning public transportation and same level of less concern for issues of unemployment pervaded among Filipinos’ social media presence”pahayag ni Brilliantes.
Bukod umano sa kalusugan, housing at bigas, kasama din sa mas pinagtuunan ng pansin ng mga Pinoy sa panahon ng pandemic ay ang mga provincial governors at mayors na nakitang ginawa ang kanilang trabaho gayundin ang mga dasal at debosyons sa mga santo ng Simbahang Katoliko.
“Not surprisingly, the emergence of strong community leaders in the person of provincial governors and city and municipal mayors whose management skills shined and garnered much praise and mention in mainstream and social media,most of the public social media data points on this issue involved praises of the ability of local officials to keep peace and order in their communities and prayers from Catholic groups for the intercession of their favorite saints for safety from harm dominated social media posts on this issue,” ayon pa sa report.
May 11 issues ang ginamit ng BluePrintPH sa kanilang data analysis kasama dito ang peace and order, rice, health, unemployment, housing, small business, education, utilities, OFWs, access to information at public transportation.
Ang BluePrintPH ay gumagamit ng big data analytics para masukat ang “people’s thinking” na syang maaaring gamiting batayan para sa policy making at pagbuo ng social at political messaging para sa public and private sectors.