Kaso ng COVID-19 sa Brazil mahigit 860,000

Sumampa na sa mahigit 860,000 ang kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Sa pinakahuling datos ay umabot na sa 867,882 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa matapos na makapagtala ng mahigit 17,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19 ay mahigit 43,000 na.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

Pangalawa na rin ito sa mga bansang mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

 

 

 

Read more...